Posts

Showing posts from April, 2020

LOOK : 2GO Travel unveils fastest, largest RoRo passenger ship in PH; MV 2GO Maligaya to serve Manila-Cebu-CDO Route

Image
2GO Travel has just unveiled M.V. 2GO MALIGAYA, considered the fastest, largest and the most state-of-the-art RORO passenger ship in the country today. It will serve the Manila-Cebu-Cagayan de Oro route and vice-versa. M.V. 2GO MALIGAYA has a passenger capacity of 800 with 225 rooms and more container capacity. Its top speed is 23.5 knots making it the fastest passenger ship to sail in Philippine waters. Its height of 29 meters is equivalent to a 10-storey building. Maiden voyage is set May 23. Browse some screengrabs below.

How to Commute from Manila to Rosario Batangas

Image
Rosario is one of the municipality of Batangas Province. Here are some alternative ways in commuting from Manila to Rosario Batangas. 1. Ride a bus going to Batangas Pier in buendia terminal in Pasay City, drop off at tambo exit. 2. Ride a jeepney or tricycle going to Lipa town proper and drop off at Rosario Terminal. 3. Ride a jeepney going to Rosario Town proper. 4. Once you reached the town proper there are several tricycle en-route to each barangay. There are also bus station en-route  to San Juan, Batangas. (ALPS) in Pasay Terminal or Cubao Terminal in Quezon City.  1. Ride a bus and drop off at Rosario Town Proper. 

HABANG MAY BUKAS MAY PAG-ASA

Image
               Bakit nga ba tayo nabubuhay? Maraming tao ang nangangarap ng marangyang kabuhayan at mga materyal na bagay. Marami rin naman ang kuntento na lamang sa payak na pamumuhay. Simple ngunit puno ng kasiyahan. May mga taong nakapagtapos ng pag-aaral mayroon din namang hindi. May mga yumaman dahil sa pinag-aralan at mayroon ding umangat dahil sa diskarte sa buhay. May mag-asawang biniyayaan ng anak at mayroon namang nangangarap pa rin na sila ay pagkalooban. Iba-iba man ng tinatahak sa buhay may nagwawagi at may nabibigo, iisa lamang ang hangarin nang bawat isa ito ay ang patuloy na mangarap. Libre lang naman ang mangarap at nasa iyong mga kamay ang sagot sa katuparan nito.                 Sa mga taong nasa maayos na kalagayan ngayon napakabuti ng Panginoon sa inyo. Pagyamanin pa lalo ninyo ang inyong kakayahan. Sa mga naligaw ng landas at hanggang ngayon ay sinusubukan pa ring bum...

Life in the midst of Quarantine

Image
            Bunsod ng pandemic na Covid-19 halos buong mundo ang nagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine. Isa sa pinaka mahirap na parte ng buhay ng tao ngayon ay ang maisailalalim sa tinatawag na lockdown. Bawal lumabas ng tahanan, lahat ng mga nakasanayan ay iisang tabi muna lamang. Napakahirap subalit wala tayong magagawa kundi ang sumunod. Isipin na lamang naten na ito ay para sa ating kaligtasan. Dalangin natin ang mabilis na pagsugpo sa sakit na ito upang makabalik tayo sa ating normal na buhay.

HOW TO FIGHT DEPRESSION

Image
Paano nga ba malalabanan ang takot o depresyon?? May tatlong bagay na kailangang gawin para malabanan ang ano mang takot sa buhay. 1. Kailangang may pananalig sa Diyos.     - malalampasan natin ang ano mang problema kung buo ang ating pananampalataya sa Kanya.     - isuko natin sa kanya ang ating sarili upang maipagkaloob sa atin ang kalakasan at ang malinaw na       kaisipan. 2. Kailangan ang suporta ng Pamilya.    - mas madali tayong makakalimot sa ano mang pinagdadaanan kung may pamilya tayong aagapay      sa atin.    - kailangang maging bukas tayo sa ano mang suhestyon at kailangang tanggapin natin ang sasabihin      nila sa atin masama man o mabuti sa ganoong paraan gagaan ang ating pakiramdam. 3. Tulungan natin ang ating Sarili.    - bukod sa Diyos, sa ating Pamilya walang sinuman ang makakatulong sa atin kundi ang ating sarili      lamang.   ...

TULA NG PAGBANGON

Image
Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit nagkakaganito? Tila lahat ay napagod pati pag-ikot nitong mundo. Bawat patak ng luha mga tinig ng sakripisyo. Hanggang kailan nga ba ang paghihirap na ito? Napakapait pagmasdan na ang dating masiglang bayan Ngayon ay puno ng pighati, pasakit at katanungan? Paano tayo babangon? Paano ang kinabukasan? Kahit ang pinuno ay hindi alam ang kalaban. Dapat nating tandaan na ito ay pagsubok lamang Marahil bigay ng Diyos upang kanyang ipaalam Pananampalataya ng bawat isa ay tila nakakalimutan. Kaya't sa panahong ito ang panalangin ay mainam. Sabay-sabay nating sugpuin ang kalaban natin Magkaisa tayo, pagmamahalan ay pairalin. Pasasaan ba at ito'y lilipas din. Kung ang bawat isa ay may mabuting hangarin. Bayan kong Pilipinas pagibig sa iyo'y wagas. Haharapin natin ng may pagasa ang bukas. Iwawagayway natin bandila mo hirang. Babangon tayo ng may dunong at tapang.

MGA PARAAN UPANG MAKAIWAS SA COVID -19

Image
Mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. 1. Manatili sa bahay/tahanan.    - kung walang mahalagang bibilhin at dahilan para lumabas ng tahanan mas mainam ang manatili               sa loob ng tahanan. 2. Ugaliin ang paghuhugas ng Kamay   - panatilihin ang kalinisan simulan sa sarili. Hugasan ng higit o dalawampung minuto ang mga kamay at iwasan humawak sa bibig at mukha. 3. Umiwas sa matataong lugar.   - dahil sa banta ng virus umiwas sa matataong lugar at panatilihin ang Social Distancing. Iwasan rin ang pakikihalubilo sa mga tao. 4. Siguraduhin may sapat na bitamina ang katawan.   - para makaiwas sa sakit mainam na uminom ng mga bitaminang pampalakas ng resistensya upang hindi madaling dapuan ng sakit. 5. Sumunod sa mga patakaran ng pamahalaan.   - mahigpit na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine kaya't hinihikayat ang lahat na sumunod. Maging mapagmatyag at manood ng balita u...

VIRAL : PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK SA KANYANG AMA HINANGAAN NG NETIZENS

Image
           Hindi pa man natatapos ang panganib na dulot ng sakit na Covid-19 isa na namang kalbaryo ang hinaharap ng mga mamayan ng isang barangay sa Tondo lungsod ng Maynila. Noon lamang sabado ika-18 ng Abril, isang sunog ang lumamon sa mga kabahayan sa isang barangay sa Tondo. Ang naturang lugar ay tinawag na Happy Land. Umabot pa sa Task Force Bravo ang alarmang naidulot ng nasabing sunog bago ito naapula bandang ika-10 ng umaga.            Sa kabila nito makikita ang larawan na ipinost ng isang netizen na tunay nga namang nakaantig sa puso ng marami. Habang ang iba ay abala sa pagliligtas ng mga gamit ang isang ito'y hindi nagatubiling buhatin at ilayo sa sunog ang kanyang ama. Hindi niya alintana ang mga naiwang gamit sa nasusunog na bahay masiguro lamang ang kaligtasan ng kanyang ama. Isang napakagandang ehemplo ang ipinamalas ng lalaking ito. Tunay ngang siya ay dapat na tularan. Busilak ang puso at nanging...

Popular posts from this blog

LOOK : 2GO Travel unveils fastest, largest RoRo passenger ship in PH; MV 2GO Maligaya to serve Manila-Cebu-CDO Route

TULA NG PAGBANGON

VIRAL : PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK SA KANYANG AMA HINANGAAN NG NETIZENS